Mangkokolum.

samahan ako saking pagbabaliktanaw.

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Sunday, December 18, 2005

    PROLOGUE:

    (note: fiction)


    Noong ako'y labing pito, nagbago ang buhay ko. malaking pagbabago.

    Palagay ko, alam ng mga taong nakakakilala sakin na yang mga katagang yan ang iniisip ko.

    ang kwento ko ay hindi pwedeng matapos sa pagbigkas lang ng dalawa o tatlong pangungusap. karamihan ng nakakaalam ng kwento ko ay hindi na nag-aabala pang magpakwento dahil alam nilang may epekto sakin ang bawat maliit na detalye ng aking buhay..

    Kahit papano, ang kwento ko ay kwento narin ng aking paligid at ng mga taong nakakakilala sakin mula pa nuong mga taon ng aking kamusmusan. ako nga lang ang pinakabida.

    ako ay apatnapu't pitong taong gulang. pero kahit tatlumpung taon na ang lumipas, sariwa parin sa aking alaala ang mga senaryo, tauhan at mga pangyayari nuong ako'y labing pito. kahit sa kaliit-liitang detalye..

    -Salamat naman at maaga kong natapos ang project na ipinasa sakin ng ka-opisina ko.
    December 12 na. ito ang taon bago ang 2035. kakatawag lang ni david. may reunion daw kami ng mga highschool classmates ko. mahigit tatlong dekada narin akong walang personal na pakikipagkita sa kahit na isa man sa kanila. at dahil nga maaga kong natapos ang project para sa bagong ad ng isang sitcom sa GMA, e magkakaron ako ng panahon para makadalo sa reunion.
    isang linggo ang lumipas. Handa na lahat ang gamit ko sa muling pagluwas ko sa muntinlupa.
    isang byernes ng gabi ako umalis sa condo ko. kasama ang anak ko ay sumakay na kami ng sasakyan at bumyahe galing dito sa baguio pababa. dito kasi ako nadestino. sa trabaho ko kasi, bilang isang advertiser at visual artist, eh kung saan saan ka makakarating lalo na pag maraming projects.

    sabado ng madaling araw ng marating ko ang lungsod ng muntinlupa.

    sinalubong ako sa main church ng lungsod ni David. sya lang ang madalas kong makausap sa telepono sa lahat ng mga classmates ko.
    Mainit na yakapan. halos tatlumpung taon din..
    nag-kumustahan kami at ipinakilala ang mga anak namin sa isa't-isa.

    tumulak kami patungo sa isang lugar na hindi banyaga sa aking paningin.
    mejo sumisikat na ang araw. tinatamaan ng bahagyang sinag ang isang istrukturang bato na may malabong kulay orange na pintura. hindi lingid sakin kung nasaan ako.
    pumikit ako at huminga ng malalim. wala paring pagbabago. ang pumasok sa akin ay ang hangin parin na hininga ko tatlumpung taon na ang nakakalipas. ang hangin ng aking pagkabata. ng aking pagkamusmos at pagkainosente. at sa pag pasok ng hangin sa may edad kong baga, ay naramdaman ko ang kakaibang pagbabago sa akin. pisikal at emosyonal. ramdam kong dahan dahang nabubura ang mga kulubot sa matanda kong balat. unti unting naunat ang malutong kong mga buto. sa isa pang pagkakataon ay nangitim ulit ang aking mapuputing buhok.
    Sa aking paligid naman ay unti-unti na ang pagpasok ng liwanag. sunud sunod na ang pagdating ng mga batang nakasuot ng polo at blouse na puti, pantalong kulay brown at paldang checkerd.

    dumilat ako.
    nakatayo ako sa harap ng aking highschool. ang southernside montessori school.

    at sa pagkakataong iyon, ay nakilala ko ulit ang aking sarili. ako si Elan Roncilles. at ako'y labing pito.

    at ito ang kwento ko. pangako, wala akong babaguhin at tatanggalin.

    alas siete na.

    papasok na 'ko.



    to be continued
    watch out for chapter one.